Powered By Blogger

Tuesday, July 27, 2010

Kissing the Frog Prince



“You have to kiss a few frogs before finding the prince.”

Ang mga katagang ito ay isa sa malaking katotohanan sa mundong ating ginagalawan. Bihira o minsan pa’y suntok sa buwan kung iisipin na iilang relasyong “FLR” (First and Last Romance) ang nagtatagumpay sa larangan ng pag-ibig.

Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, di maiiwasang daumating sa punto na meron at magkakaroon ng “twists & turns” & “ups & downs”. Wala ito sa ikli o haba ng panahong pinagsamahan kundi nasa kagustuhang manatili o “willingness” hangga’t makakayang isalba ang relasyon (kung seryoso ka). Ngunit minsan, kailangang sumubok at sumugal sa pag-ibig at isantabi ang takot na masaktan. Kailangang pagdaan natin ang hapdi at pait ng nakaraan na di maglalao’y magbubunga rin ng maganda.

Ilan sa mga bagay na aking natutunan mula sa nakalipas na anim na relasyon ay ang mga sumusunod:

- Hindi masama ang magmahal at muling magtiwala.
- Sa bawat “failed relationship” ay may kamaliang matututunan na hindi na dapat ulitin pa.
- Mahirap ngunit masaya ang mabulag sa katotohanang mahal mo siya sa kabila ng kanyang mga kakulangan.
- Hindi lang sa inyong dalawa umiikot ang mundo, maglaan ng sapat na oras sa sarili, mga kaibigan at kapamilya.
- Ang tunay na kaligayahan ay nakadepende sa iyong sarili at hindi sa kabiyak mo, siya ay bahagi lamang ng iyong pagkatao.
- Iwasang umasa ng anumang kapalit sa ibinibigay mong pagmamahal (sadyang may iilang manhid na kailangang sabihin mo pa bago niya malaman), ang mahalaga’y masaya ka sa tuwing napapsaya mo siya ngunit ito’y may hangganan. (wag martir – give deadlines or span of time) Kung sa palagay mong sobra na at parang one way traffic, tigilan na ang kahibangan at mag move on.
- Subukang maging “appreciative” sa lahat ng bagay na ginagawa niya (gaya ng paghatid at sundo, ang paglalaan ng panahon na makasama ka), mas mahalaga ang effort kaysa sa material na bagay.
- Maging handa sa “worst scenarios” think several times… ( di mo naman hawak ang utak ng partner mo, malay mo may iba na pala siya - iwasang maging praning at wag gumawa ng mga bagay na ikakasakit din ng loob mo )
- Di masama ang maging praktikal (Kung ayaw na niya sayo, pag usapan ng maigi kung kaya pang remedyuhan, pero don’t give it up easily – ipaglaban kung nararapat malay mo sinusubukan ka lang din niya) Kung di successful it’s time to let go, atleast maayos ang paghihiwalay niyo.
- Masakit pala ang harapan o “face to face” break up, but don’t cover things up, may karapatan siyang malaman kung ano at sino ang nagkamali, it would be both beneficial for you. Pagkatapos ng eksena – maluwag na sa pakiramdam at malaya ka na.
- Huwag sarilinin ang problema, ituring ang kabiyak like a best friend, di man siya makatulong, atleast he knows kung ano ang pinagdadaanan mo, hindi yung tipong biglang maglalaho na lang ng di mo alam (parang hanging plant) at lilitaw na parang walang nangyari.
- Wala sa guwapo at yaman ang sukatan ng pagmamahal, minsan kasi akala nila mapalad na sila to have those things pero sa totoo lang they are emotionally empty, they are just shallow. Mas mainam na simple lang, yung di sana’y sa luho, madiskarte, may ambisyon at masikap (but not that workaholic).
- Kailangan “balance” emotionally, mentally, spiritually connected (di yung panandaliang kilig lang) and one big factor to consider is the “level of intimacy”.
- Help yourself to let go and don’t become prisoner of the past, darating ang tamang panahon (wag kang atat) magpapasalamat ka at naging bahagi ng buhay mo sila “the EX’s”.

Dahil sa ilang mga bagay na yan, mas naging matured and better person ako ngayon, pag minahal mo ang sarili mo magrereflect ito sa iba, sabi nga “the greatest thing on earth is to love and be loved in return, at natagpuan ko na ang PRINCE after kissing several froglets. I’m so blessed, thankful and contented to have him.

Guys, don’t stop trying to kiss as many frogs as you can, who knows nasa paanan lang pala ang Prince mo…

1 comment: