Mahilig ka bang kumain ng saging? Kung “hindi”, mag-isip ka muna at baka mahiligan mo ito at maging “habit” mo na ang pagkain ng saging.
Saging – isa sa kilalang mayamang prutas na matatagpuan sa tropikal na bansang gaya ng Pilipinas. Nagtataglay ito ng mas maraming benepisyo kumpara sa ibang prutas. Maliban sa tamis na ayos sa panlasa, ang madilaw na bunga nito ay mainam sa kalusugan. Dahil dito, madali itong ihalo o isabay sa anumang pang-arawang pagkain.
Ilan sa sumusunod ang magagandang benepisyo ng pagkain ng SAGING:
- “A banana a day keeps the doctors away” – Mas nakalalamang ang saging kaysa sa mansanas dahil sa taglay na bitamina at sustansya. ( 2X carbohydrates, 5X Vitamin A + Iron, 3X phosporous compared to apple, plus potossium).
- Mainam na pagkunan ng lakas lalo na sa oras ng panghihina / pagtamlay o stress. Mas tumatagal ang enerhiyang dulot nito kumpara sa kape at junk foods.
- Potassium - mainam sa pagdaloy ng dugo at pagpapanatali ng normal na tibok ng puso upang mapadalhan ng sapat na Oxygen ang utak. Nagbabalanse ng tubig sa katawan at nakapagpapababa ng stroke at blood pressure.
- Nakatutulong magbigay lunas sa problema ng pagdumi (constipation / diarrhea), nalilinis ang kalamnan dahil sa taglay na “natural fibers” .
- May kemikal na “tryptophan” – may protein substance na nakapagpapaganda ng kondisyon (mood) upang maging relaks at masaya.
- Mataas sa Vitamin B6 na maaring alternatibo sa pills para mabawasan ang sakit dala ng buwanang dalaw.
- Nakapagpapatalas ng isip (3 saging kada araw) ayon sa pananaliksik.
- Nakakabawas ng “hangover” sa inuman, dagdagan lang ng pulot (honey) at yogurt at iblender (Voila!). Pinapakalma nito ang sikmura at nagsasaayos ng normal level ng blood sugar.
- May Bitamina B at ibang mineral na nakatutulong makaiwas o makabawas ng pisikal at saykolohikal na epekto ng "nicotine withdrawal" mula sa paninigarilyo.
- Mainam sa nagbubuntis para mabawasan ang “morning sickness” at nagbabalik ng normal na temperatura ng katawan.
- Ang pagpahid ng ilang piraso ng saging sa kagat ng lamok ay nakababawas ng pangangati at pamamaga kumpara sa ibang gamot na mabibili sa botika.
- Nakapagpapababa ng “acidity level” (neutralization) dahil sa nag-iiwan ang saging ng protective coating sa loob ng bituka upang makaiwas sa “ulcer”. (Natural antacid)
- Kung may “Iron Defficiency”, ang saging ay may iron na may kakayanang makabuo ng hemoglobin sa dugo para sa mabilisang paggaling ng anumang sugat o pagkahiwa.
- Mainan na pataba sa lupa para sa mga mahilig magtanim.
- Pagpapagaling ng kulugo (warts), dampian ang bahaging apektado at balutan ito.
Mapalad tayo sa pagkakaroon ng saging dahil sa dami ng benepisyong dulot nito. Masarap na, masustanysa pa - ngunit anumang labis ay hindi maganda. Kung di naman mahilig sa saging, maari namang subukan ang ibang prutas na maging bahagi ng pang-arawang pagkain upang manatiling malakas at malusog ang isip at katawan.

No comments:
Post a Comment